gusto ko lang magpasalamat sa iilang tao sa buhay ko.
EVER - salamat sa apat na taong pagkakaibigan na kahit kailan hindi ako iniwan sa kabila ng lahat.tama sila sa sinabi na konting tao lang ang makikita mong tunay at tapat na kaibigan na di ka iiwan kahit anong katarantaduhan o kapalpakan ang gawin mo. yung mananatili sayo at tatanggapin ka ng buo sa kung ano o sino ka man at hindi ka huhusgahan bagkus yayakapin ka at sasabihing ‘hayaan mo sila. naandito naman ako. huwag kang magalala.’ sa lahat ng pasakit na binigay ko sayo. sa sama ng loob. sa saya. sa drama. sa tawanan. sa kulitan. sa asaran. pati na din sa mga pagtatalo sa mabababaw na dahilan. salamat. salamat dahil hanggang ngayon naandito ka pa din. kung ibang tao yan siguro matagal na akong sinukuan.
break. ang sakit na kasi ng lalamunan ko. -.-
gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. pinakita mo sa akin kung ano talaga ang tunay na pagkakaibigan. kung paano magpahalaga ng mga tao sa buhay mo. na kahit sa kabila ng lahat hindi mo iiwan ano man ang mangyari. salamat sa pagmulat ng mga mata ko. madami akong natutunan mula sayo. at kahit kailan hindi ko yun makakalimutan. hindi kita makakalimutan.
kinailangan ko ng uminom ng tubig. -.-
baka nagsasawa ka na sa sasabihin ko sayo pero sasabihin ko pa din. hindi mo naman ako mapipigilan. tandaan mo na naandito lang ako para sayo gaya ng gawa mo sa akin. hindi kita iiwan. dadamayan kita sa lahat ng bagay. wala akong pakialam sa ibang tao. wala din akong pakialam sa sasabihin nila. ang importante sa akin ikaw. ayokong magalit ka sa akin. ayokong madinig o madama na hindi na ako importante sa buhay mo. dahil higit akong masasaktan. importante ka sa akin at pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin higit sa lahat.
huwag kang mapagod sa akin. dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka. i love you mata. x)
EMERAUDE - hindi man tayo close. at nagkausap lang tayo ng saglit. dahil alam ko na medyo takot ka sa akin. gusto kong pasalamatan ka din. salamat sa lahat dahil kagaya ni ever. naandito ka pa din. sa pangunawa. sa lahat. sorry maiksi. naubos na kay ever yung pasasalamat ko. xP huwag kang magalala. magkakausap uli tayo. sorry pala kung di kita kinakausap. yung mood ko ang dahilan. at pag nasa mood na akong kausapin ka. nauunahan na ako ng katamaran magmessage sayo. kaya patawad. isa sa mga araw na ito. magtutuos tayo. biro lang. maguusap tayo. salamat uli. x)
BAMBI - i know that we don’t bond or catch things up anymore now like we used to before. i want you to know that i’m tryin my best to catch up with you and be like before. and it’s hard. x)) forgive me for being lazy. i’m more lazy now. but i’m tryin my best. cause i know you need someone who you can depend on and talk to and share bout your feelings. i’m just a message away. don’t hesitate to tell me everythin. i’ll give my best advice. and i’ll listen. you know i love you. and i’m always here for you. thank you for the friendship. >:D<>:D<>:D<
CERA - panget. salamat sa pagmamahal mo bilang kaibigan at may bahay. xP gusto ko lang malaman mo na hindi ka na makakakawala mula sa akin. dahil sa akin ka lang. hindi ako makakapayag na maagaw ka pa ng iba, lahat ng magbabalak agawin ka ay mamamatay mula sa sarili kong mga kamay. xP nung sinabi ko sayo mula sa umpisa na mahal kita. totoong mahal kita. lahat gagawin ko para ka lang mapasaya. magpapakabaduy. at magpapakacorny ako kung kinakailangan. dahil wala kong ibang hangad kung hindi ang mapaligaya ka. mahalin ka. alam kong magtatagal tayo. di ko hahayaan na may makasira sa atin.
hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sayo. at pagpasensyahan mo na din ako kung naaapektuhan pa din ako ng ibang tao at ang mood ko. hindi na yun mauulit dahil ayoko ng masira pa uli ang araw natin. salamat sa pagdating sa buhay ko. salamat sa pagpapasaya sa akin. salamat sa paglagay uli ng mga ngiti sa labi ko. salamat sa pagmamahal mo. mahal kita. tandaan mo. x)
-deacon